01:53Paghahanap kay Maura | An illustrated investigation from The Washington Post
From the creator
Mula Pilipinas, nagtungo si Maura sa St. Louis para maitampok sa 1904 World’s Fair. Kinalaunan, nagkasakit siya at namatay. Iminumungkahi ng mga tala na matapos niyang pumanaw, kinuha ng isang antropologo ng United States National Museum ng Smithsonian Institution ang bahagi ng kaniyang utak. Ngunit iilan lamang ang makakaalam kung ano ang nangyari sa kaniya, hanggang makalipas ang mahigit isang siglo. To watch ‘Searching for Maura’ in English visit: https://youtu.be/O3aBxOv5txc Bahagi ang kuwentong ito ng “The Collection,” isang serye ng pagsisiyasat ng Washington Post tungkol sa sampu-sampung libong labi ng tao na nasa pagmamay-ari ng National Museum of Natural History. Si Claire Healy ay isang freelance journalist at newsroom copy aide na nag-uulat para sa The Post. Si Nicole Dungca ay isang investigative reporter sa The Post. Si Ren Galeno ay isang visual artist mula Davao City. Iginuhit niya ang kuwento at nag-ambag ng karagdagang pananaliksik sa kuwentong ito. Para mabasa ang iba pang kuwento mula sa imbestigasiyon ng The Post tungkol sa koleksiyon ng mga labi ng tao sa Smithsonian, maaaring magtungo sa washingtonpost.com/thecollection. Ang “Paghahanap kay Maura” ay isang librong mabibili sa Ingles at Filipino. Para sa pag-order ng kopya, maaaring magtungo sa wapo.st/maurabooks. --- Maura came to St. Louis from the Philippines to be put on display at the 1904 World’s Fair. She soon fell ill and died, and records suggest a world-renowned anthropologist from the Smi
Published 2023-08-16 · Watch on YouTube ↗
Availability and playback restrictions are controlled by the original channel.





